Nakataas ang flood warning sa sampung rehiyon sa Pilipinas ngayong Lunes, Hunyo 22 dahil sa mga serye ng pag-ulang dala ng bagyong Francisco at umiiral na habagat at thunderstorm.
Inaasahan ang mabibigat na pag-ulan na maaaring magresulta sa biglaang pagbaha sa mga sumusunod na rehiyon:Region 4-B (MIMAROPA), Region 6 (Western Visayas), Region 7 (Central Visayas), Region 8 (Eastern Visayas), Region 9 (Zamboanga Peninsula), Region 10 (Northern Mindanao), Region 11 (Davao Region), Region 12 (SOCCSKSARGEN), Region 13 (CARAGA) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa state weather bureau, ang extension ng bagyong Francisco ay ang pangunahing nakaka-apekto sa eastern seaboard ng Pilipinas habang ang southwest monsoon naman ang nakaka-apekto sa Visayas, Mindanao, at Palawan.
Pinag-iingat ang mga residente sa biglaang pagtaas ng tubig mula sa mga kailugan na maaring umabot sa mga kabahayan.
















