-- Advertisements --
roger federer rafa nadal

Nabigo ang tambalang Roger Federer at Rafael Nadal sa men’s doubles ng Laver Cup sa London.

Tinalo kasi sila ng US players na sina John Sock at Frances Tiafoe sa score na 6-4, 6-7 at 9-11.

Hindi maiwasan ng Swiss tennis star na si Federer na mapaluha dahil ito na ang huling laro niya.

Noong nakaraang linggo kasi ay inanunsiyo ng 41-anyos na tennis legend ang kaniyang pagreretiro.

Matapos ang laro ay nagkaroon ng tribute ang Laver Cup kung saan ipinakita ang mga video ng mga tagumpay ni Federer.

Sinabi nito na magkahalong saya at lungkot ang kaniyang nararamdaman dahil sa naging matindi ang kontribusyon ng tennis sa kaniyang buhay.