CAUAYAN CITY- Nagdeklara si US President Joe Biden ng Federal Emergency matapos ang pananalasa ng Tornado sa apat na estado ng Amerika na nag-iwan ng mahigit 80 nasawi habang marami pa ang nawawala.
Itinuturing ng Pamahalaan ng Kentucky na worst night ang naganap na pagtama ng malakas na tornado sa Mayfield, Kentucky na nag-iwan ng maraming patay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Nelson Rodriguez, tubong Santa Ana, Cagayan na kasalukuyang naninirahan sa Northern Kentucky, USA sinabi niya na unang naglabas ng warning na makakaranas ng matinding pag-ulan at malalakas na hangin ang ilang estado ng Amerika at lahat ng mga tao ay nakaantabay sa kanilang mga radyo at telebisyon may kaugnayan sa ibinabalang pagtama ng tornado ilang oras bago ito tumama sa 4 na estado .
Pinakanaapektuhan sa pagtama ng tornado ang Western Kentucky at ilang bahagi ng Tenessee, missouri at Illinois kung saan maraming nasirang imprastraktura at maraming nasaktan.
Ayon anya sa isang Survivor mula sa Mayfield Candle Factory nasa 40 mangagawa ang nasagip ng mga recuers.
Winasak rin ng tornado ang bodega ng Amazon sa Illinois, at ilang simbahan , Cathedral at ang mismong Justice Center .
Ayon sa mga meteorologits na nasa 250 miles ang tinahak ng tornado at lahat ng dinaanan nito mula sa 4 na estado ang labis na napinsala.
Hindi naman malabong may ilang Pilipino ang nadamay o di kaya naman ay naapektuhan ayon na rin sa ilang impormasiyong kanilang nakakalap mula sa mga kapwa pinoy sa Kentucky.