-- Advertisements --
Malaki pa rin ang tiwala ng Food and Drugs Administration (FDA) sa bisa ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang AstraZeneca.
Ito ay kahit na may ilang ulat na nagkakaroon ng blood-clot sa mga naturukan sa ilang bansa.
Sinabi ni FDA chief Eric Domingo na ang nasabing desisyon ay base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization na huwag dapat itigil ang paggamit ng nasabing bakuna.
Dagdag pa nito na mas marami pa ang benepisyo at bisa nito kaysa sa mga bilang na napaulat na nagdudulot ito ng blood-clot sa ilang katao.
Wala pa naman aniyang naiulat sa Pilipinas na parehas na insidente na nangyari sa Europe.
Magugunitang ilang mga bansa sa Europa ang tumigil sa paggamit ng nasabing bakuna.