Nanawagan na rin ang Food and Drug Administration (FDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ibasura ang Vape Bill.
Nakasaad sa liham na ipinadala ng FDA sa tanggapan ng pangulo na nanindigan sila na may mandato ang ahensya nito sa pagregulate ng vape dahil sa isyung pangkalusugan.
Giit pa ni FDA officer in charge Director General Dr. Oscar Guttierez ang kasalukuyang ruling ng Korte Suprema na may kapangyarihan ang FDA na i-regulate ang anumang health products o anumang produkto na makakaapekto sa kalusugan ng tao.
Sa ilalim ng bill, maililipat ang pag-regulate nito sa Department of Trade and Industry (DTI).
Para sa DTI, gagampanan lang nila ang kanilng tungkulin, lalo na sa presyo at kalidad, kung sakaling magkakaroon na ng batas na sasaklaw sa nasabing produkto.