Mas matimbang pa rin ang benepisyong makukuha mula sa COVID-19 vaccines kaysa peligro na mayroon ang mga ito, kung mayroon man, ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) director general Eric Domingo.
Kasabay nito ay muling hinimok ng publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang mga variants.
Iginiit ni Domingo na dapat makumpleto ng mga nagpapabakuna ang dalawang doses ng COVID-19 vaccines na itinuturok sa kanila lalo pa at malaki talaga ang ibinababa ng posbilidad na mahawa sa naturang sakit kung fully vaccinated ang isang indbidwal.
Pero hindi pa rin aniya dapat kalimutan ang mahigpit pa ring pagsunod sa minimum health protocols dahit mahalaga rin ang papel nito upang hindi mahawa ang isang tao sa COVID-19.
Samantala, iginiit ng FDA chief na ang mga bakuna na aprubado para gamitin ay “highly effective” alaban sa malalang sakit at posibleng pagkamatay.