-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga produktong may kakayahan daw pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa isang panayam sinabi ni FDA director general Eric Domingo, na walang scientific evidence na nagsasabing ang mga produkto tulad ng “Virus Shut Out” na uri ng lanyard, ay kayang iligtas mula sa impeksyon ang isang tao.

Pinayuhan ng opisyal ang publiko na huwag umasa sa naturang produkto, lalo na’t hindi rin ito rehistrado sa FDA.

Ang nasabing produkto ay naglalaman ng sodium hypochlorite, isang compound na ginagamit sa disinfection ng tubig.

Posible raw kasuhan at managot sa ilalim ng FDA Act ang sino mang mapapatunayang nagbebenta ng nasabing produkto.