-- Advertisements --
FDA

Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa pagbili at pagkonsumo ng hindi rehistradong imported food products na ibinibenta sa mga lokal na merkado.

Partikular na dito ang isang brand ng corned beef na Mario.

Sa inilabas na advisory ng FDA, ang brand na ito ng corned beef ay hindi rehistrado at walang kaukulang certificate of product registration.

Nakumpirma ng FDA ito sa pamamagitan ng online monitoring o post marketing surveillance.

Kung kayat hindi aniya magagarantiya ng FDA ang kalidad at kaligtasan ng nasabing produkto dahil hindi ito dumaan sa masusing evaluation process.

Binigyang diin ng FDA na ipinagbabawal ang pagbebenta, distribusyon, paggamit at promosyon ng produkto na walang proper authorization.

Kaugnay nito humiling ang FDA sa Bureau of Customs na pigilan ang pagpasok ng hindi rehistradong imported products.