Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng pekeng anti-rabies serum.
Sa isang advisory , sinabi ng FDA na ang pekeng anti-rabies serum (Equine o Equirab 200 ml solutions) para sa injection ay iligal na ibinebenta sa merkado.
Pinaalalahanan ng ahensya ang mga mamimili na bumili lamang ng mga produktong gamot sa mga establisimiyento na lisensyado ng FDA.
Nagbabala ang FDA sa mga drug store at outlet laban sa pagbebenta ng pekeng anti-rabies serum.
Ayon sa FDA, paglabag sa Food and Drug Administration Act at Special Law on Counterfeit Drugs ang importasyon, pagbebenta o pamamahagi ng mga pekeng produktong medikal.
Ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng nasabing produkto ng droga ay mapaparusahan.
Hiniling ng ahensya sa mga local government unit at law enforcement agencies na tiyaking hindi ibebenta ang mga pekeng produkto sa kanilang nasasakupan.