-- Advertisements --
Makikipag-ugnayan na ng Food and Drugs Administration (FDA) sa National Bureau of Investigation (NBI) para tugisin ang mga health products o mga gamot na gumagamit ng mga larawan ng mga sikat na artista at mga doktor.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa na ipinarating sa kaniya ng mga kaibigan niyang doctor na walang paalam na gumamit ng kanilang larawan para iligal na mag-endorso ng mga gamot.
Kapag naireklamo na aniya ang mga ito ay pansamantalang nawawala ang nasabing mga gamot at ito ay bumabalik din matapos ang ilang buwan.
Ilan sa mga nagreklamo na ay si Dr. Willie Ong na minsan ng ginamit ang kaniyang larawan sa pag-endorso ng gamot na hindi naman nito iniindorso.