Nabuwag na ng FBI ang pinagkukutaan ng mga notorious ransomware gang na nakapag-extort na ng mahigit $100 milyon mula sa mga pagamutan, paaralan at ilang biktima sa buong mundo.
Sinab ini FBI Director Christopher Wray na kasama nila ang Secret Service at ilang mga European government agencies sa nasabing operasyon.
Mula aniya noong Hulyo ay mayroon ng access ang ilang FBI officials sa computer network ng Hive ransomware.
Modus ng nasabing grupo na nanakawin nila ng mga mahahalaga at sensitibong files ng mga kumpanya at maibabalik lamang ito kapag magbayad sila ng ilang bilyong halaga bilang ransom.
Noong Nobyembre pa lamang ay nakakuha na ng grupo ng mahigit $100 milyon mula sa mahigit 1,300 kumpanya sa buong mundo.
Karamihan sa mga biktima nila ay mga health care companies kung saan ninanakaw ng mga hackers ang mga personal data ng mga pasyente ng kanilang biktima.
Umaasa ang mga otoridad na matitigil na ang nasabing operasyon ng ransomware matapos ang pagkakabuwag nila ng nabanggit na grupo.