-- Advertisements --

Maaring faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog noong Marso 29 na tumupok sa isang ferry sa labas ng Basilan province at pumatay sa kabuuang 28 katao, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG-Bangsamoro chief Cmdr. Rejard Marfe na ang posibleng dahilan ay base sa mga natuklasan sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Maritime Casualty Investigation Team (MCIT) at Bureau of Fire Protection (BFP) ng Coast Guard.

Isang short circuit sa loob ng airconditioned room sa barko ang nakitang posibleng dahilan ng sunog.

Ilang oras matapos sumiklab ang apoy, sinabi ng mga nakasaksi na maaaring nagsimula ang apoy sa isa sa mga airconditioned cabin ng barko.

Dagdag dito, walang karagdagang bangkay ang natagpuan sa sinapit na barko matapos ang masusing paghahanap at imbestigasyon ng mga awtoridad.

Binawi ng mga awtoridad noong Sabado ang bilang ng mga nasawi mula 31 at nilinaw na 28 lamang.

Iginiit ni Marfe na sa kabuuang bilang, 11 bangkay ang natagpuan sa tubig habang 17 iba pa ang natagpuan sa sunog sa loob ng barko.