-- Advertisements --
Maglalagay ng express lanes ang Commission on Eelction (Comelec) para sa mga medical frontliners na nais magparehistro upang makaboto sa 2022 general elections.
Ayon kay Commissioner Rowena Guanzon, kailangan lamang ipakita ng mga medical frontliners ang kanilang Professional Regulation Commission (PRC) card, hospital card o local government identification card.
Sa Setyembre 30 matatapos ang registrationb para sa mga botante.
Umaasa ang Comelec na aabot ng apat na milyon ang bagong voter registrants para sa May 2022 national and local elections.