Hindi na naisalba pa ang buhay ng 26-anyos na fashion model matapos mahimatay sa runway ng Sao Paulo Fashion Week sa Brazil.

Si Tales Soares o mas kilala sa kanilang bansa na Tales Cotta ay nadapa sa kasagsagan ng fashion show.

-- Advertisement --

Naisugod pa sa pagamutan ang modelo pero binawian din ng buhay.

Agad namang humingi ng paumanhin ang organizer ng event.

“We are sorry for this loss and give our sincere apologies to Tales’ family,” base sa statement ng event organizer.