Tumaas ang farmgate price ng palay o kada kilo ng bigas noong Nobiyembre base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa naturang data, ang average farmgate price ng palay ay tumaas sa 26.6% o katumbas ng P21.96 kada kilo ng palay na mas mataas sa P17.35 na naitala noong Nobiyembre noong nakalipas na taon.
Mas mataas din ito kumapara sa naitalang 6.6% o P20.50 kada kilo ng palay noong Oktubre.
Sa mga rehiyon, ang pinakamataas na farmgate price ng palay ay naitala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa P24.65 kada kilo habang ang pinakamababa naman ay naitala sa Zamboanga Peninsula na nasa P18.88 kada kilo.
Lahat naman ng rehiyon sa bansa ay nakapagtala ng positibong year-on-year growth rates na average farmgate price ng palay noong Nobiyembre.