ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang pamunuan ng isang farm hotel sa Badiangan, Iloilo, matapos na mag-viral sa social media ang litrato ng kanilang guidelines.

Sa statement na naka-post sa social media account ng Ephrathah Farms, mahigpit na ipinapatupad ng management ang mga hindi pa kasal na magsama sa isang hotel room.

Ayon sa nasabing farm hotel, ang nasabing hakbang ay kabilang sa kanilang adbokasiya laban sa extramarital sex, “short time” at “evil works” ng unmarried couples.

Ang ‘no unmarried couple allowed’ policy ay matagal nang ipinapatupad dahil para sa pamunu-an ng nasabing hotel, ang kasal ay banal.

Ayon sa guidelines, nararapat na sumailalim sa screening process ang mag-partner upang malaman kung sila ay kasal o hindi pa.

Kasabay nito, nilinaw nilang ang pag-viral ng nasabing guidelines ay hindi para sa ‘commercial gains’ bagkus magsilbing paalala sa mga guest.