-- Advertisements --

Nanawagan si Misamis Oriental Rep. Juliette Uy sa pamahalaan na mamahagi ng fare at fuel vouchers bilang tulong sa mga mananakay at drivers ng pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Uy, miyembro ng House Committee on Transportation, na ang targeted cash aid na ito para sa mga mahihirap at middle-income Filipinos ay makaktulong para buhayin ulit ang transportation sector kasunod ng epekto ng COVID-19 quarantine measures.

Aabot sa P100 billion aniya ang maaring ilaan para sa bus at ship transportation vouchers o P2,000 sa bawat isa sa 50 million Filipino commuters.

Inirekominda naman ni Uy na paglaanan ng P7 billion ang gasoline vouchers para sa mga jeepney at tricycle drivers, o P3,500 sa kada 2 million drivers sa bansa.

Maari aniyang pagsamahin ang database ng LTFRB at tricycle units registry ng mga local government units para sa pagtukoy sa target beneficiaries ng programang ito.

Ipapahatid naman aniya ang cash assistance na ito sa pamamagitan ng remittance outlets, ATMs, at debit cards.

“All that P107 billion can be considered economic stimulus because the money will circulate through the economy. That is not an expense, that is an investment in the future of our country,” giit ni Uy.

Sinabi ng kongresista na kukunin ang pondo para sa economic stimulus na ito mula sa P300 billion na hawak ng Bangko Sentral ng Pilipinas o mula sa remittances mula sa mga pondong nakolekta ng mga government owned or controlled corporations.