-- Advertisements --
image 201

Proud pa rin ang Filipino fans kay Chelsea Fernandez kahit na mabigo itong maiuwe ang korona ng Miss Globe 2022 na ginanap naman sa Tirana, Albania.

Ito ay matapos na makasampa ang dalaga sa Top 15 ngunit hindi na pinalad pang mapabilang sa Top 5 ng naturang beauty pageant na kinabilangan naman ng mga kandidatang mula sa Vietnam, Thailand, United Arab Emirates, Dominican Republic, at Albania.

Ngunit bago pa man ang coronation night ay una nang napanalunan ng Filipina beauty ang Miss Globe head-to-head challenge, kung saan isa-isang inihayag ng mga naggagandahang kandidata ang kani-kanilang mga adbokasiya at iba pang usapin.

Samantala, si Anabel Payano, mula sa Dominican Republic naman ang kinoronahan bilang bagong Miss Globe 2022.

Habang first runner up naman si Ms. United Arab Emirates, second runner up si Ms. Albania, third runner up si Ms. Thailand, at fourth runner up naman si Ms. Vietnam.

Kung maalala, isa ring Filipina ang reigning titleholder ng Miss Globe 2022 na si Maureen Montagne na siya namang nagpasa ng korona sa bagong Miss Globe 2022 na si Ms. Dominican Republic.