-- Advertisements --
IMG 20191021 123542

Tiniyak ng Department of Justice (DoJ) na magiging patas ang pagdinig ng panel of prosecutors na mag-iimbestiga sa mga kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban kay dating PNP Chief Oscar Albayalde dahil pa rin sa isyu ng “ninja” cops.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, bibigyan nila ng pagkakataon si Albayalde na sumailalim sa due process para linisin ang kanyang pangalan sa kinasasangkutang kontrobersiya.

Kabilang dito ang pagsusumite ng counter affidavit ng heneral sa mga kasong isinampa sa kanya ng PNP-CIDG.

“The inclusion of general Albayalde in the amended complaint affidavit filed by the PNP-CIDG before the DOJ today is a reflection of their assessment that general Albayalde may be held criminally liable for the acts or omissions alleged in the complaint. For its part, the DOJ will conduct a fair and thorough investigation of the old and new charges and will afford general albayalde his right to due process,” ani Guevarra

Maalalangang kaninang umaga, sa pagpapatuloy ng reinvestigation sa “ninja” cops issue ay isinama na si Albayalde sa ammended referral complaint.

Ito ay may kaugnayan sa drug raid noong 2013 sa Pampanga ng mga tinaguriang “ninja” cops o mga pulis na nagre-recycle ng iligal na droga.

Sinasabing aabot sa 200 kilo ang narekober na shabu sa drug raid pero 38 kilo lamang umano ang isinuko sa mga otoridad.

Dahil dito, humaharap si Albayalde sa mga kasong paglabag sa Section 3 o causing undue injury to the government giving undue advantage to other persons ng RA 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act; Section 27 ng RA 9165 o mishandling of evidence, Article 171 ng Revised Penal Code (RPC) at Article 208 ng RPC o dereliction of duty.

Nagprisinta rin ng karagdagang testigo at sinumpaang salaysay ang PNP-CIDG.

Kabilang sa testigo ng PNP-CIDG si CIDG Major Crimes Investigation Unit head Lt. Col. Julius Sagandoy at ilang barangay official ng Mexico sa Pampanga.

IMG 20191021 123646

Sa pagdinig, no show pa rin ang respondent at sinasabing team leader ng isinagawang drug raid na si PSupt Rodney Raymundo Louie Juico Baloyo IV.

Maliban kay Albayalde at Baloyo kasama rin sa mga kinasuhan sina:

  • Police Senior Insp Joven Bognot De Guzman Jr
  • SPO1 Jules Lacap Maniago
  • SPO1 Donald Castro Roque
  • SPO1 Ronald Bayas Santos
  • SPO1 Rommel Munoz Vital
  • SPO1 Alcindor Mangiduyos Tinig
  • SPO1 Dante Mercado Dizon
  • SPO1 Eligio Dayos Valoroso
  • PO3 Dindo Singian Dizon
  • PO3 Gilbert Angeles De Vera
  • PO3 Romeo Encarnacion Guerrero Jr
  • PO2 Anthony Loleng Lacsamana

Mga kasong paglabag sa Sections 27, 29 32 at 92 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, paglabag sa Section 3(a) at (e) ng RA 3019 Qualified Bribery (Art 211-A ng RPC) Falsification of Public Documents (Article 171 ng RPC at Penury in Solemn Oaths sa ilalim ng Article 183 ng RPC at Article 208 ng RPC o dereliction of duty against officers and personnel of the Philippine National Police (PNP) ang isinampa sa mga respondent.

Ipagpapatuloy ang preliminary investigation sa Nobyembre 5 dakong alas-10:00 ng umaga sa DoJ.

Naungkat ang isyu ng ninja cops sa pagdinig ng Senado sa isyu ng good conduct time allowance (GCTA) Law.

Kabilang naman sa DoJ panel of prosecutors na nag-iimbestiga sa kaso sina Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, at Assistant State Prosecutors Josie Christina Dugay at Gino Paolo S. Santiago.