Tiniyak ng social media platform na Facebook na kanilang iimbestigahan ang pagbuhos ng reklamo dito sa Pilipinas sa pagdami ng mga dobleng Facebook account.

Ayon sa social media giant na agad nilang tatanggalin ang mga naisumbong sa kanila na pekeng account kapag hindi ito pumasa sa kanilang authenticity checks.

Hinikayat nila ang mga tao na agad na ireport sa kanilang opisina ang nasabing mga reklamo.

Inamin ng kompaniya na tanging 5 percent lamang sa kanilang worldwide monthly active users (MAU) ay mga peke.

Magugunitang nitong Linggo ay bumuhos ang reklamo sa nasabing social media matapos na madiskubre nila ang pagkakaroon ng doble o multiple Facebook account na mga peke.