-- Advertisements --

Inirekomenda ng Department of Education (DepEd) ang progesibong expansion ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa alert level 1 at 2.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang expansion ng face-to-face classes ay magsisimula sa unang linggo ng Pebrero.

Paglilinaw nito na kanilang ikokonsidera ang anumang payo ng Department of Health, local government units at maging ang Department of Justice.

Inirekomenda ng kalihim na tanging mga bakunadong guro at non-teaching personnel ang papayagan na makibahagi sa face-to-face classes.

Mas maigi aniya na pawang mga bakunadong mag-aaral din ang lumahok sa limited face-to-face classes.