Posibleng payagan pa rin ang face-to-face campaign para sa nalalapit na 2022 national elections, ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon.

Ang patakaran aniya para sa election campaign ay didipende sa magiging polisiya naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Anuman ang magiging pasya ng IATF-EID, sinabi ni Guanzon na kailangan mahigpit pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols sa gitna ng pandemya.

Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaring ipagbawal ang face-to-face campaigning para sa nalalapit na halalan.

Ito ay para na rin maiwasan ang hawaan ng coronavirus.

-- Advertisement --

Bilang alternatibo, sinabi ni Jimenez na maaring idaan na lamang online ang pangangampanya ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon.

Pero lahat ng ito ay dipende rin aniya sa maging rekomendasyon ng IATF.