VIGAN CITY – Hindi na problema ng ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hong Kong (HK) ang gagamitin nilang face masks at hand sanitizer laban sa 2019 novel-coronavirus.

Sa mensaheng ipinadala sa Bombo Radyo Vigan ni Bombo International Correspondent Jonalyn Biscarra–Venus na taga-Cabaroan, Bantay, Ilocos Sur ngunit nagtatrabaho sa Hong Kong, dumating na ang ilang suplay ng face mask at hand sanitizer galing sa Japan at iba pang bansa.

Ayon kay Venus, ang mga suplay nila ng face masks at hand sanitizer ay inorder pa ng kaniyang mga amo sa Japan dahil nagkakaubusan na ng mga paninda sa mga pamilihan sa kanilang lugar.

Kasabay nito, tiniyak niya na maayos pa ang kalagayan ng mga Pinay workers sa Hong Kong sa kabila ng tumitinding banta ng nasabing sakit ngunit doble-doble na ang kanilang pag-iingat.