Reading Time: 1 minute
Michael Schumacher
Michael Schumacher/ ig post

Nakatakdang sumailalim sa cell therapy surgery si seven-time Formula One world champion Michael Schumacher.

Ayon sa kampo nito na nasa Paris’ Georges-Pompidou hospital ang 50-anyos na si Schumacher.

Itinuturing na isang mahalaga ang nasabing operasyon para hindi na lumala pa at magresulta sa heart failure.

Magugunitang noong 2013 ay naaksidente si Schumacher sa isang skiing incident ng matanggal ang kaniyang helmet.