Nagpositibo sa coronavirus si Formula One driver Sergio Perez.

Dahil dito ay hindi na makakasali sa British Grand Prix.

Naka-isolate na rin ang Mexican driver at ito ay babalik lamang sa karera kapag matapos na ang retest nito.

Ayon naman sa F1 at FIA na kanilang tinutukoy na ang mga nakasalamuha nito.