-- Advertisements --

Inaprubahan na ni US President Joe Biden ang planong pagsasanay ng Ukrainian pilots sa mas modernong fighter aircraft kabilang na sa American-made na F-16 fighter jets.

Inanunsyo ito kasabay ng meeting ng Group of Seven leaders sa Hiroshima, Japan.

Ang approval sa F-16 training ay ang pinakahuling ginawa ng Biden administration habang inaasahan itong magpadala sa Ukraine ng mas nakakamatay at advanced na mga armas kasunod ng desisyong magpadala ng rocket launcher systems at Abrams tanks.

Una nang ipinaliwanag ng Amerika na nagpapadala ito ng military aid sa Ukraine upang madepensahan nito ang sariling bansa laban sa Russia.

Ayon kay Bombo Josel Palma, international correspondent sa Japan, inaasahan rin ang in-person attendance ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa Linggo.

Ginamit rin ng G7 leaders na pagkakataon ang summit upang dagdagan ang global sanctions laban sa Moscow at magsagawa ng plano para mas maging epektibo ang existing financial penalties laban kay Russian President Vladimir Putin at sa Russia.