-- Advertisements --

Nakataas na ngayon ang signal number three sa extreme northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana) at eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is., at Pamuktan Is.).

Signal number two naman ang umiiral sa Batanes, nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, natitirang parte ng eastern mainland ng Cagayan (Aparri, Camalaniugan, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Tuguegarao City, Iguig, Amulung, Alcala, Allacapan, Lasam, Ballesteros, Abulug) at northeastern portion ng Isabela (San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan).

Habang signal number one naman sa nalalabing bahagi ng mainland Cagayan, eastern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg, Bangui, Vintar, Carasi, Nueva Era, Burgos), Apayao, northern portion ng Kalinga (Balbalan,Pinukpuk, City of Tabuk, Rizal), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong), northwestern at southeastern portions ng Isabela (Santa Maria, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Cabatuan, Aurora, City of Cauayan, Angadanan, San Guillermo, Dinapigue, San Mariano, Cabagan, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini, Quirino, Burgos, Gamu, Ilagan City, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven) at northern portion ng Aurora.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 280 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 185 kph at may pagbugsong 230 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.