-- Advertisements --

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na ma-institutionalize na ng gobyerno ang mga financial literacy programs nito para sa mga manggagawa ng sa gayon ang kanilang pinaghirapang pera ay kanilang ma-invest sa tamang paraan at maprotektahan pa ang mga ito mula sa mga scam na lumaganap ng mabilis sa lumalagong digital economy ng bansa.

Batay sa datos ng PNP-Anti-cybercime group nasa mahigit P155 milyon na naiulat na nawala sa iba’t ibang uri ng scam sa unang walong buwan ng 2023 laman.

Dahil dito sinabi ni Yamsuan na ang pinakamahusay na paraan upang maprotektahan ang mga Pilipino mula sa mga mapanlinlang na aktibidad ay turuan sila kung paano pamahalaan ang kanilang mga pananalapi at tuklasin ang mga pekeng financial scheme.

Iminungkahi ni Yamsuan sa pamamagitan ng House Bill (HB) 9888 ang Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), at Bangko Sentral ng Pilipinas ang siyang mangunguna sa isang kampanya na gagawa ng financial literacy materials kaagad na madaling naa-access ng publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang platform ng komunikasyon.

Ayon sa mambabatas, dapat din silang makipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno at state-owned at controlled corporations para palawakin ang abot ng kanilang financial literacy programs.

Ipinunto din ni Yamsuan na ang digital economy ay nagbibigay ng maraming benepisyo,subalit nagbunga rin ito ng lahat ng uri ng panloloko na nagnakaw sa marami nating mga kababayan sa kanilang pinaghirapang pera.

Dagdag pa ng Kongresista ang gobyerno sa pamamagitan ng DOLE ay dapat manguna sa pagtugon sa financial literacy gap sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng panukalang House B 9888 o ang Financial Literacy and Fraud Prevention for Workers Act, ang mga materyales sa financial literacy na ihahanda sa publiko ay dapat iharap sa isang madaling maunawaan na pormat, at isinalin sa Filipino at Bicolano, at iba pang nauugnay na mga wika at diyalekto sa rehiyon upang matiyak ang mas malawak na pag-abot ng mga materyales sa publiko.

Awtorisado rin ang DOLE na magbigay ng mga gawad sa mga karapat-dapat na employer at mga nagtatrabahong negosyante para makapagsagawa sila ng mga programa sa financial literacy at fraud detection at prevention seminar para sa kanilang mga manggagawa.

” Thus, enhancing financial literacy is necessary in empowering workers, not only by educating them to recognize and safeguard themselves from fraudulent schemes, but also to ensure that they have a good understanding of the fundamental concepts of finances. Ultimately, this would allow them to make informed and sound financial decisions which can contribute to a more stable financial environment,” pahayag ni Yamsuan.