-- Advertisements --

Nais ng ilang eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na pag-aralan muna ng mabuti ng gobyerno kung itutuloy ang pagluluwag ng community quarantine sa Metro Manila.

Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng kaso na naitatala sa National Capital Regiuon (NCR).

Ayon kay Dr. David Guido, mula sa UP OCTA research team, kapansin-pansin umano sa nagdaang dalawang liunggo na bumagal ang reproduction rate ng virus sa ilang rehiyon. Nasa 60 percent naman ang occupancy rate sa mga ospital.

Mas mababa daw dapat ang naturang posyento upang siguraduhin na lahat ng pasyente ay maa-admit sa ospital kung sakali man na biglang tumaas muli ang kaso ng coronavirus.

Mas maganda din aniya kung mas mapapababa pa ang kasong nbaitatala kada araw bago sumugal sa pagluluwag ng community quarantine. Premature pa raw kasi kung magpapakampante na kaagad ang gobyerno.

Tinataya naman ng mga eksperto na aabot ng 310,000 hanggang 315,000 ang maitatalang kaso ng deadly virus sa bansa sa Setyembre 30.