Pinaplano ng Maritime Industry Authority (Marina) na palawigin pa ang ruta nito sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Marina Administrator Hernani Fabian, ang naturang plano ay dahil na rin sa paghahangad nitong mapalawak pa ang shipping industry ng bansa, at makapaglinang ng iba pang karagdagang ruta sa ibang bahagi ng bansa.
Nauna na aniyang may mga inisyal na pag-uusap sa pagitan ng MARINA at ng mga opisyal ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) para sa nasabing expansion.
Kung maisasakatuparan ito, umaasa ang MARINA na magkakaroon ng karagdagang ruta sa mga lugar ng Cotabato City, Sulu, hanggang sa Tawi-Tawi.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Fabian na mababa pa ang napagtibay na ruta sa bahagi ng Mindanao. kayat kailangang maparami pa ito.
Malaki aniya ang potensyal ng naturang rehiyon sa mga kalakalan, lalo na palabas ng bansa.