Nagpahayag daw ng pagnanais ang ilang firms sa Thailand sa plano nilang expansion ng kanilang operasyon dito sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual na kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.
Ayon kay Pascual, kabilang sa mga kumpanya doon na nais palawakin pa ang operasyon nila dito sa Pilipinas ang construction, agriculture, retail at renewable energy.
Aniya ang naturang mga kumpanya raw na kanilang nakapulong ay mayroon nang existing na operasyon dito sa Pilipinas kaya naman inihayag daw ng mga kumpanyang ito ang kanilang plano sa hinaharap.
Pero hindi na idinitalye pa ni Pascual ang expansion plans dahil pribado umano ang naturang mga kumpanya at kanilang mga kilos ay “proprietary.”