Mahigpit nang ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang travel restrictions ad bans sa mga travellers mula sa Pakistan, Nepal, Sri Lanka at Bangladesh simula mamayang madaling araw, Mayo 7 dahil pa rin sa Coronavuris disease 2019 (COVID-19).

 Sa advisory, ang mga pasahero mula sa mga naturang bansa at ang may mga travel history sa mga naturang bansa sa loob ng 14 araw ay pagbabawalang makapasok sa bansa simula bukas hanggang Mayo 14.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dadating naman bago ang Mayo 7 o bukas ay papayagan pa ring makapasok sa bansa pero kailangan nilang sumailalim sa strict absolute facility-based 14-day quarantine at sumalang sa RT-PCR testing.

 Kung maalala ipinatupad din ang kaparehong restrictions sa mga pasaherong galing naman sa India matapos tamaan ng matinding variant ng COVID-19.

Nilinaw naman ni BI Port Operations Division (POD) Chief Atty. Carlos Capulong na ang mga asawa at anak ng mga Pinoy at dating mga Filipinos na bibiyahe sa Pilipinas na walang kasamang Filipino o dating Filipino spouse o parent ay papayagan lamang na makapasok kung makakapagprisinta ang mga ito ng valid 9(a) visa at exemption document mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“This is in compliance to the resolution of the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, temporarily banning the entry of aliens holding temporary visitors’ visas,” ani Capulong. 

Ang tinatawag namang Balikbayan privilege ay ang visa-free entry at isang taong pananatili sa bansa ng mga asawa at anak ng mga Filipinos at dating mga Filipinos.