Kinumpirma ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera.
Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.
Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy.
Sa kaniyang social media sinabi ni Hatton na wala ng makakapigil pa.
Ang 43 anyos na si Hatton ay nagwagi ng dalawang division na itinuturing bilang darling of British boxing world habang ang 48-anyos na si Barrera ay mayroong titulo sa tatlong division.
Ito rin ang unang beses na paglaban ni Hatton ng magretiro noong 2012 noong patumbahin siya ni Ukrainian boxer Vyacheslav Senchenko.
Habang si Barrera ay nakaharap sina Daniel Ponce de Leon at Jesus Soto Karass noong nakaraang taon.
Nakilala din siya sa mga showdown niya kay Erik Morales, Pacquiao, Juan Manuel Marquez at Naseem Hamed.
Mayroong 45 panalo, tatlong talo at 32 knockouts si Hatton sa kaniyang career habang si Barrera ay mayroong 67 panalo, pitong talo at 44 knockouts.