Nagdalamhati ang mga opisyal ng Basilan at si dating Vice President Leni Robredo sa pagpatay kay dating Lamitan Mayor Rose Furigay.
Sinabi ni Robredo na nabigla ito ng malaman ang balita.
Ang dating alkalde kasi at asawa nitong si Mayor Oric ay isa sa nagsusuporta sa Angat Buhay program niiya sa Lamitan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Furigay ay nagbigay ang Lamitan City Government ng lupain na ginawang Yakan Weaving Center.
Sa panig naman ni Basilan Representative Mujiv Hataman, na sa pamumuno ni Furigay ay mas lalong umunlad ang Lamitan City kung saan nagkamit ito ng Seal of Good Local Governance.
Labis naman nalungkot si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman sa nangyaring krimen at nanawagan ito sa mga otoridad ng mabilisang imbestigasyon sa pangyayari.
Magugunitang pinagbabaril si Furigay habang dumadalo sa pagtatapos ng kaniyang anak sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City.
Kasamang nabaril ang executive assistant nito na si Victor George Capistrano at security guard ng unibersidad.
Sugatan naman ang 25-anyos na anak nitong si Hannah Rose.
Kinilala ang suspek na si Chao Tiao Yumol, 38-anyos at isang doktor.