-- Advertisements --
Marie Fredriksson
Marie Fredriksson

Pumanaw na ang dating lead vocalist bandang Roxette na si Marie Fredriksson sa edad 61.

Kinumpirma ito ng manager ng singer matapos ang 17-taong pakikipaglaban sa cancer.

Matapos na ito ay humiwalay sa banda ay nag-solo na ang Swedish singer.

Ilan sa mga pinasikat nitong mga kanta noong ito ay nasa bandang Roxette ay ang “It Must Have Been Love”, “The Look” na nanguna sa US Billboard Hot 100 chart noong 1989.

Taon 2002 ng ma-diagnosed ito ng brain tumor at ito ay nakarecover dahil sa paggamot.

Bumalik ito sa pagtugtog subalit noong 2016 ay pinayuhan ito ng doktor na mamahinga na lamang.