-- Advertisements --

Inakusahan ni dating Vice-Presidential Walden Bello ang kampo ni Vice President Sara duterte kaugnay sa kasong cyber libel na inihain laban sa kaniya ng isang dating office employee ng Davao City.

Subalit sa panig naman ng Bise-Presidente, inihayag nito na hindi dapat isisi sa kaniya ang paglugmok nito sa kahihiyan.

Sa inisyung statement, iginiit ng Bise Presidente na patuloy siyang kumakapit sa payo ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag bigyan ng pansin ang mga batikos.

Giniit din ni VP Sara na sa halip na sisihin ang iba at kaladkarin ang kanyang pangalan sa isyung ito, dapat maisip ng dating kongresista na kinokondena ng publiko ang labis na pagpapakita ng pagmamalaki at pagmamataas.

Ang pagtawag ani Bello sa isinampang kaso laban sa kaniya na ‘silly’ ay nagpapakita rin aniya ng kaniyang pagkatao.

Isa aniyang insulto ito para sa Prosecutors sa kanilang oras at effort sa pag-uphold ng rule of law.

Pinayuhan din ng Bise Presidente si Bello na ang kalayaan sa pagsasalita ay hindi nagbibigay ng karapatang manira ng ibang tao. Dapat na pagtuunan na lamang ni Bello ang pagsagip sa natitira sa kanyang dignidad at paggalang sa sarili at hiniling na itigil na ang pagsisi sa kaniya at paghatak sa kaniya sa kahihiyan.

Una ng inaresto hapon ng Lunes si Bello sa kaniyang residence dahil 2 counts ng paglabag ng Republic Act 10175 o ang Cyber Crime Prevention Act of 2012 na inihain ng dating Davao city chief information officer na si Jefry Tupas laban kay Bello.

Maaalala na inihain ni Tupas noong Marso ang cyber libel laban kay Bello matapos na akusahan ng former vice-presidential candidate ang city official na sangkot sa illegal drugs matapos na makitang dumalo sa isang beach party kung saan nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P1.5 million halaga ng party drugs.

Bagamat inamin ni Tupas na dumalo ito sa naturang event ay umalis naman aniya ito bago pa mangyari ang raid.

Samantala, nakalaya na si Bello matapos na makapagpiyansa ng aabot sa P48,000 sa kada kaso nito.