-- Advertisements --
Patay ang limang katao sa bayan ng San Remigio, Cebu dahil sa pagtama ng lindol.
Ayon kay Police Capt. Jan Ace Elcid Layug ang officer in charge ng San Remigio Police statio, na isa sa mga biktima ay miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Habang tatlong biktima ay mga miyembre Philippine Coast Guard (PCG).
Naglalaro kasi ng basketball ang BFP at PCG sa loob ng sports complex bago tumama ang magnitude 6.9 na lindol nitong gabi ng Setyembre 30.
Isang biktima naman ay bata na naipit sa gumuhong gusali sa ibang lugar naman ng nasabing bayan.
Magugunitang tumama ang lindol nitong 9:59 ng gabi ng Miyerkules na ang epicenter ay sa lungsod ng Bogo.