-- Advertisements --

Tinalo ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers, 103-81, sa kanilang preseason opener noong Biyernes ng gabi.

Nanguna si Austin Reaves para sa Lakers na may 20 points, habang nakapag-ambag naman si Bronny James ng walong points.

Hindi naman nakapag laro sina LeBron James at Luka Doncic, na parehong nagpapagaling mula sa mga minor injury na natamo sa EuroBasket.

Ngunit spotted ang dalawa mula sa courtside habang nanguna si Devin Booker para sa Suns na may 24 points.

Habang Si Bronny James ay nahirapan sa opensa, nagkapagtala ng shoot ng 1-for-7 mula sa 3-point range, at nakapag-ambag ng limang free throws at tumulong na pangunahan ang laro.

Sa kabilang banda, nag-debut naman si Deandre Ayton para sa Lakers, ngunit may isang points at walong rebounds lamang sa 18 minutes na paglalaro.

Samantala magpapatuloy ang preseason ng Lakers ngayong Linggo laban sa Golden State Warriors sa San Francisco.