-- Advertisements --

Nahaharap sa panibagong reklamo si dating US President Donald Trump.

Inatasan umano niya ang kaniyang empleyado na burahin ang kuha ng security camera sa kaniyang bahay sa Florida.

Dahil dito ay nahaharap na siya ng bagong criminal charges na may kaugnayan sa hindi niya tamang paghawak ng mga classified files.

Dahil dito ay mayroong kabuuang 40 na kaso ang kinakaharap nito ngayon.

Mariing pinabulaanan naman ni Trump ang nasabing alegasyon at inakusahan ang prosecutors na gumagawa lamang ang mga ito ng kaso.

Una ng naghain ng not guilty plea ang dating pangulo kasama ang personal aide nitong si Walt Nauta at maging ang kaniyang Mar-a Lago estate na si Carlos de Oliveria ay kinasuhan na rin.

Nagbunsod ang kaso kay Trump matapos madiskubre na nasa kaniyang kustodiya pa rin ang mga suberstibong dokumento kahit tapos na ang kaniyang termino.