-- Advertisements --

ILOILO – Mariing itinanggi ng isang US Navy Machinist Mate ang akusasyon na sinasaktan niya diumano ang kanyang Pinay na misis sa Bolilao Mandurriao, Iloilo City.

Ang arestado ay kinilalang si US Navy Machinist’s Mate 3rd Class Jason Galan ng Philadelphia, Pennsylvania.

Si Galan ay nagtatrabaho noon sa Central Intelligence Agency (CIA) at Federal Bureau of Investigation (FBI).

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Galan, nilinaw nito na hindi totoo ang aksusasyon ng kanyang asawa na si alyas Nena at katunayan ay siya pa ang unang sinaksak nito gamit ang gunting.

Ani Galan, binaliktad siya ng kanyang misis para pagtakpan ang katotohanan na ninanakaw nito ang savings niya sa bangko.

Inamin din aniya ng kanyang misis na nakikipagsiping ito sa iba’t-ibang lalaki kahit na kasal na sila.

Dagdag pa ng retiradong sundalo, may hawak siyang ebidensya na kuha ng closed circuit television na makakapagpatunay sa totoong nangyari.

Desidido namang magsampa ng kaso ang US Navy laban sa kanyang Pinay na misis at sa mga umaresto sa kanya.