Pumanaw na ang dating chief ng United Nations (UN) na si Javier Perez de Cuellar.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak sa isang radio interview nitong araw.
“My dad died after a complicated week. He died at 8:09 pm tonight (0109 GMT Thursday) and is resting in peace,” ani Francisco Perez de Cuellar.
Nagdiwang pa ng kanyang ika-100 karawan si De Cuellar noong January 19 kung saan binati at ginunita ni UN Secretary General Antonio Guterres ang kanyang naging kontribusyon bilang dating hepe ng organisasyon.
“On this momentous occasion, we at the UN draw on his example for inspiration & are deeply grateful for his many contributions and achievements as Secretary-General,” ani Guterres.
Malaki ang naging papel ni De Cuellar sa UN nang pamunuan ang mga hakbang sa gitna ng Iran-Iraq war at civil war sa El Salvador.
Nagsilbi ang pumanaw na former UN chief mula 1981 hanggang 1991.