Isa ng full-time Zumba instructor ang ang dating miyembro ng Universal Motion Dancer (UMD) na si Wowie de Guzman.

Sinabi nito na hindi lamang dito sa bansa ito nagtuturo at maging sa ibang bansa ay may kumukuha sa kaniyang serbisyo.

Nagkaroon din ito ng bagong diskarte mula ng ipinatupad ang lockdown dahil sa coronavirus at ito ay sa pamamagitan ng online session.

Mayroon itong private group sa online itong tinuturuan kung saan karamihan sa kanila ay kaniya ring mga studyante sa pagsu-zumba.

Ilan sa mga natutunan niya ipinatupad na quarantine ay ang pagkakaroon ng maraming oras sa 6-years old na anak na babae ganun din aya natuto na rin itong mag-edit ng mga kanta.