-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating UFC champion Anthony “Rumble” Johnson sa edad 38.

Hindi na binanggit ng kampo ng dating UFC world title challenger ang dahilan ng kamatayan ni Johnson.

Hawak nito ang professional record na 23 panalo at anim na talo.

Ilan sa mga malalaking laban nito ay noong talunin niya ang mga malalaking pangalan sa UFC na sina Glover Teixeira at Alexander Gustafsson.

Dalawang beses itong natalo kay dating two-divisioin champion Daniel Cormier.

Taong 2017 ng ianunsiyo niya ang kaniyang pagreretiro sa UFC at bumalik sa mixed martial arts matapos ang apat na taon ay lumaban siya at tinalo niya si Jose Barros sa pamamagitan ng knockout sa ikalawang round.