jacob zuma
Jacob Zuma

Pinapaaresto ng South African judge si dating President Jacob Zuma.

Ito ay matapos na bigo itong makadalo sa korte sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Depensa naman ng abogado ng dating pangulo, na nasa ibang bansa ito at nagpapagamot kaya hindi siya nakadalo sa pagdinig.

Duda naman dito si Pietermaritzburg High Court Judge Dhaya Pillay sa naging rason ng abogado ni Zuma kaya ito naglabas ng arrest warrant.

Sinabi pa ng judge na walang ebidensiya o dokumentong ipinakita ng kaniyang mga abogado na ito ay nagpapagamot sa ibang bansa.

-- Advertisement --

Nahaharap kasi sa kasong kurapsyon at money laundering ang dating pangulo na may kaugnayan sa multi-billion dollar arms deal nito noong 1999.