Revilla Sr thumbs up
-- Advertisements --

Nakahinga muli ng maluwag ang pamilya ng dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr.

Ito’y matapos maging maganda ang resulta ng isinagawang angiogram procedure sa 93-year-old “Nardong Putik” star kung saan walang anumang nakitang problema sa puso nito at hindi na kailangan pa ng angioplasty.

Sa video na kuha ng aktor ding si Sen. “Bong” Revilla Jr., ipinakita nito ang sitwasyon sa loob ng hospital room ng kanyang ama kung saan nagagawa naman nitong kumindat, ngumiti at mag-thumbs up.

Gayunman, hindi pa rin ito makapagsalita dahil sa nakakabit na ventilator.

Revilla Sr screengrab

Sa ngayon ay umaasa ang pamilya Revilla na maalis na ang ventilator sa mga susunod na araw at patuloy na magdarasal kasabay ng “long road to recovery” ng ama.

-- Advertisement --

Nitong May 31 nang isugod sa ospital ang former senator/movie actor matapos mahirapan sa paghinga, pero hindi pa isinasapubliko kung may iba pang dahilan.