CAGAYAN DE ORO CITY – Nasakote ng Iligan City Police Office ang tatlong babae na kinabibnilangan ng isang dating pulis sa naganap na drug buy bust operation sa Purok 7B Barangay Tambacan, sa lungsod ng Iligan.

Kinilala ni Police Major Abogado Mautin, hepe ng Police State 4 ang mga nahuli na sina Eva Rivelo 33 anyos, may pamilya at Catherine Taba,33 anyos at DI listed ng PDEA; at ang pangatlo ay isang dating pulis na si Melody Artiaga,33 anyos at residente ng Mabination, Barangay Ubaldo Laya, sa nasabing lungsod.

Nakuha sa kanilang posisyon ang pitong na pakete nga shabu kung saan inaalam pa ng mga otoridad kung magkano ang street value nga mga ilegal na druga.

Kaninang umaga, dinala sa piskalya ang mga suspek para sa kanilang inquest proceedings sa dahil sa paglabag ng RA 9165 o mas kilalang dangerous drugs act of 2002.