-- Advertisements --
DATING PANGULONG DUTERTE

Mariing sinusuportahan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabalik ng basic military training para sa mga kabataang Pilipino upang matutunan ang basic na paghawak ng baril para maihanda ang mga ito sa anumang mga kaganapan sa bansa.

Sinabi ng dating Pangulo na dapat maihanda ang bansa sakaling dumating sa punto na hindi na makayanang protektahan ng military o police force ang publiko.

Saad pa ni Duterte na dapat sumailalim sa mandatoryong Reserve Officers Training Corps (ROTC) ang mga kabataang Pilipino upang matuto kung ano ang dapat gawin sa kasagsagan ng nuclear o dynamite explosions.

Inihayag din ng dating Pangulo na hayagan sa kaniyang pagmamahal para sa Pilipinas sa kabila pa ng pakikipagkaibigan nito sa China sa gitna nagpatuloy na panghihimasok nito sa West Philippine Sea, na makakatulong ang ROTC para maitanim ang pagkamakabayan sa mga Pilipino.

Iginiit din ni Duterte na hindi dapat mabahala ang mga Pilipino sa uri ng disiplina na ipinaiiral sa ROTC classes at sinabing ito ay bahagi ng pagdidisiplina ng militar na kailangang matutunan ng mga kabataan.