Inamin ni dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez na lahat ng proyekto nila ay substandard.
“Hindi po name-meet kung anong nasa plano,” wika ni Hernandez.
Ayon pa sa kanya na hindi lamang ang flood control projects ang substandard, kundi pati na rin ang mga school classrooms, mga kalsada, mga tulay, maging buildings.
Inamin pa nito na wala aniya sila na naging proyekto na maayos mula pa noong taong 2019 nang dumating si ex-Bulacan District Engineer Henry Alcantara.
Ayon kay Hernandez na ito ang nagsisilbing daan sa mga porsyentong ibinibigay sa iba’t ibang tao.
Pinangalanan din ng mga ito na nagbibigay sila ng pursyento sa ilang mga politiko na 25-30 % kung saan pinangalanan nila at may komunikasyon sila kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel VIllanueva at dating senator Bong Revilla.