-- Advertisements --

Nagbabala sina Camiguin Governor Xavier Romualdo at Camiguin Representative Jurdin Romualdo kay dating Pangulong Rodrigo Duterte atkaniyang kampo na maaaring maging liable para sa sedition kasunod ng pinalitang na ideya ng dating pangulo para ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Gov. Romualdo na ang public proposal ni Duterte para sa paghihiwalay sa Mindanao ay pasok aniya sa elemento ng sedition.

Saad pa ng gobenador na ironic aniya para sabihin ng dating pangulo na wala siyang nakikitang progreso sa Mindanao sa mga nakalipas na taon gayong siya mismo ay naging pangulo ng bansa sa loob ng 6 na taon.

wala din aniyang basehan ng claims ng dating pangulo dahil ang ang Mindanao ay unti-unti ng umaasenso sa nakalipas na taon.

Suspetsa tuloy ng gobernador na posibleng sinusbukan umano ng dating pangulo na takasan ang paglilitis ng ICC sa kaniyang war on drugs.

Habang ayon naman sa ama nito na si Cong, Romualdo, ang panukala umanong itoay mayroong epekto sa kahalagahan ng soberaniya, pagkkaisa at rule of law sa bansa.

Sinabi din ng mambabatas na sinubukan noon ni Duterte na itulak ang federal form ng gobyerno sybalit nabigo ito sa kaniyang termino.

Nabigyan din aniya ito ng pagkakataon na isulong ang charte change pero bakit hindi aniya ito nagawa.