-- Advertisements --

Pinapa-aresto ng Senate blue ribbon committee si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.

Kasunod ito ng hindi pagdalo ni Yang sa dalawang nakalipas na hearing, kahit ipinatatawag siya, para sa imbestigasyon sa umano’y overpriced health materials.

Nabatid na inihatid ang subpoena sa nakadeklarang bahay, ngunit wala raw kilalang “Michael Yang” na nakatira doon.

Samantala, inobliga naman ng committee si Pharmally chairman at President Huang Tzu Yen na punumpaan ang buong salaysay na isiniwalat nito sa Senado sa Philippine Embassy sa Singapore.

Sinasabing nasa Singapore si Huang at hindi ito masasaklaw ng batas sa Pilipinas.

Pero ayon sa Pharmally official, walang problema sa kaniyang panig dahil agad niyang panunumpaan ang mga sasabihin sa hearing sa embahada ng Pilipinas sa kanilang bansa.

Una rito, inilutang ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang posibilidad na hindi mabigyan ng bigat ang salaysay ni Huang dahil wala ito sa hurisdiksyon ng ating bansa.